-- Advertisements --

Nakabalik na sa Pilipinas si Filipino boxing champion Charly Suarez.

Ito ay matapos ang panalo niya laban kay Paul Feming ng Australia na ginanap sa Kevin Betts Stadium sa Sydney.

Mainit itong sinalubong ng kaniyang kaanak at mga kasundaluhan dahil ito ay isang Private First Class.

Magugunitang tinalo ng 34-anyos na si Suarez si Fleming kung saan mayroon na itong record na 15 panalo at walang talo na mayroong siyam na knockouts.

Habang si Fleming ay mayroong 28 panalo, isang talo at isang draw na mayroong 18 knockouts.

Dahil sa panalo ay hawak na ni Suarez ang IBF, WBA, WBC at IBO regional super-featherweight belts.