-- Advertisements --

Proud na ibinandera sa social media ng veteran actress na si Charo Santos-Concio na siya ay isa ng reservist ng Philippine Air Force (PAF).

Ibinahagi ng aktres ang ilan sa kaniyang mga larawan sa kaniyang graduation rites suot-suot ang kaniyang military uniform kung saan nakatanggap din siya ng certificate of completion kasabay ng iba pang graduates.

Ayon sa aktres, isang achievement na natapos niya ang short-term military course. Ang pagsali sa military course ay nakatulong daw sa kaniya na mas malaman pa ang totoong kahulogan ng “love for the country.”

Pinasalamatan din ni Charo Santos ang mga taong nakapaligid sa kaniya, tumulong at nagtiwala na matatapos niya ang naturang journey.