-- Advertisements --

Wagi ang chart-topping Filipino band na Ben&Ben sa 2021 Canadian Cinematography Awards para sa kanilang best-selling single na “Sa Susunod Na Habang Buhay”.

Napanalunan ng grupo ang “Best Song”, “Best Music Video”, at “Best Music Video Cinematography” sa nasabing patimpalak.

Ayon sa banda, maliban sa kanilang pagkilalang natanggap, nakamit din nila ang mahigit 10 million views ng kanilang kanta sa Youtube, kung saan bumida sa music video sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kamakailan nga ay nakasama rin ng Ben&Ben ang Billboard-nominated P-POP group na SB19 sa band version ng “MAPA” at ito nga ay mayroong mahigit sa 6 million views online.