-- Advertisements --
congress1

Panawagan ng Makabayan bloc na pansamatalang ipagpaliban ang deliberation ng charter change sa Kongreso dahil sa transport strike na nagsimula ngayong araw.

Anila, mas malaking concern sa bansa ang paraan kung paano matutulongan ang mga public utility jeepney drivers upang masiguro ang kanilang kabuhayan.

Ito raw ay isang pagpawalang bahala kung ipagpapatuloy ng Kongreso ang deliberation ng charter change samantalang maraming mga pasahero ang stranded at jeepney drivers ang maaaring mawalan ng trabaho.

Hindi naman raw top priority ng mga Pilipino ang Charter change at hindi nito kayang lutasin ang problema ng mga pasahero at jeepney drivers.

Iminungkahi ng Makabayan bloc na sa halip na magkaroon ng session tungkol sa Charter change, mas mainam umano na magkaroon ng deliberation kung ano ang maganda paraan upang masuportahan ang mga drivers at operators nang sa gayon ay mapagaan ang problema sa bansa.