-- Advertisements --
House of Representatives

Sa nangyaring plenary session, sinabi ni Cam Sur 3rd district Representative Gabriel Bordado na hindi pa ito ang panahon para sa Charter Change, maging ang Presidente umano ay hindi ito prioridad.

Kailangan muna umanong matugunan ang pagpapaangat ng ekonomiya ng bansa kaysa gumastos ng bilyon bilyon sa pagpapabago ng konstitusyon.

Ang pag attract ng foreign investments umano ay magagawa ng bansa kahit na walang pagbabago sa Konstitusyon.

Ayon sa National Economic and Development Authority, lagpas 28 billion ang gagastosin sa nasabing election kaugnay ng Constitutional Convention, at mas lalaki pa ito kung tuloy tuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, dagdag pa ni Rep. Bordado.

Sa sabay sabay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin umano, kasama pa ang mataas na inflation rate, at epekto ng pandemya sa ekonomiya, hindi daw napapanahon ang Constitutional Convention dahil na rin sa limitadong resources ng bansa.