Duda pa rin si Senate Minority Leader Franklin Drilon na magtatagumpay ang anumang balak na palitan ang saligang batas at baguhin ang sistema ng gobyerno.
Sa kabila ito ng pahayag ng mga kaalyado ng Pangulong Rodrigo Duterte na maaari nang masimulan ang pagtalakay sa charter change issue sa pagsisimula ng 18th Congress at pag-upo ng bagong House speaker.
Para kay Drilon, hindi garantiya ang pagkakaroon mga kaalyado sa mataas at mababang kapulungan ng Kongreso para magtagumpay ang isang panukalang batas, dahil sa huli ay dadaan pa rin ito sa mahigpit na mga debate.
Hindi rin daw prioridad ng mga senador ang mga panukalang pagbabago ng saligang batas dahil mas maraming bills na mas kapaki-pakinabang ang nakahanay para aksyunan ng kapulungan.
“The Senate always prides itself as independent of MalacaƱang. The people can be assured that any attempt to amend the Constitution to give way for federalism will undergo the regular process & will not be railroaded,” wika ni Drilon.