Hiniling ni House Minority Leader Bienvenido Abante Jr., na i-review ang charter ng PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation).
Ito’y matapos aminin ng PAGCOR sa pagdinig ng komite sa Kamara kamakailan na lisensya lamang ang kanilang ibinibigay sa mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at hindi prangkisa.
Sa isang pulong balitaan sa Kamara, iginiit ni Abante na dapat maging malinaw ito para maging klaro na rin ang mga ipinapataw na buwis sa POGO, at maging sa mga empleyado nito, na pawang mga foreign nationals.
Samantala, dahil sa maluwag ang sistema ng bansa pagdating sa regulasyon sa POGO, sinabi ni Abante na hindi maiiwasan na mabahiran ng korapsyon dito.
Kaya naman naninindigan ang kongresista sa nauna na nitong panawagan na tuluyan nang ipagbawal ang operasyon ng POGO sa bansa.