Nakahanda na ang chartered ship para sa posibleng mass repatriation ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Lebanon.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, nakipag-negotiate ang gobyerno ng Pilipinas sa ship owners sakaling matuloy ang mass repatriation doon.
Mas maraming OFWs naman aniya ang nag-avail na ng repatriation program sa gitna ng pinaigting pa na bakbakan sa Lebanon.
Ayon sa kalihim, nasa 159 OFWs ang nag-aantay ng repatriation na nananatili sa mga shelter na pinapatakbo ng gobyerno ng Pilipinas sa Lebanon.
Sa ngayon, umaabot na sa 668 OFWs mula sa Lebanon ang na-repatriate mula ng sumilklab ang giyera sa pagitan ng militanteng Hezbollah at Isareli forces noong nakalipas na taon.
Nananatili naman sa ngayon na boluntaryo ang repatriation ng OFWs sa Lebanon at patuloy din ang paghikayat sa mga Pilipino na bumalik na ng Pilipinas.