Nagpasalamat si Presidential Communications Office (PCO) Secetary Cesar Chavez sa Kamara de Representantes sa mabilis na paglusot ng mahigit PhP2.2 billion na budget ng ahensiya para sa fiscal year 2025.
Ayon kay Communications Secretary Chavez, dahil sa tiwalang ipinamalas ng mga mambabatas sa ahensya, na walang kumontra, lalo lamang kakayod ang PCO na ihatid ang serbiyong publiko na ipinangako nito sa mga Pilipino.
Sinabi ni Chavez na makakasa aniya ang publiko na bawat sentimo sa pondong ito ay epektibong magagamit ng tanggapan, para sa mga plano at programa nito, alinsunod sa itinatakda ng batas.
Kaugnay nito, kinilala rin ng kalihim ang buong suporta ng Kamara sa mga bagong programa ng PCO, na aniya, ang pangunahin mandato ay nakatuon paglalabas ng mga pahayag o impormasyon na totoo at napapanahon, kaugnay sa mga serbisyo at programa ng pamahalaan.
Sumasalamin aniya ang tiwala ng Kamara sa kumpiyansa nito sa misyon at sa pangkabuang organisasyon ng PCO, at hindi bibiguin ng tanggapan ang Kongreso.
Binigyang-diin ng kalihim na ang mabilis na pag apruba sa kanilang budget at maituturing na “vote of confidence’ sa kanilang misyon.