-- Advertisements --
chavit singson
Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson

VIGAN CITY – Pinag-iingat ni dating Ilocos Sur governor- Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson ang kaibigan nitong si Pinoy ring icon Manny Pacquiao sa papalapit na laban nito kontra Keith Thurman sa Las Vegas sa susunod na buwan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Singson na bagama’t lamang si Pacquiao ngayon laban kay Thurman, delikado umano ang nasabing laban para sa fighting senator.

Tiyak na mas malakas daw kasi ang suntok ni Thurman kontra Pacquiao sapagkat mas bata ito sa tinaguriang fighting senator ng 10 taon.

Gayunman, tiwala pa rin daw siya sa kakayahan ng Pinoy boxing icon ngunit hindi nito maiwasang mag-alala lalo pa at determinado ring manalo si Thurman.

Sen Manny pacquiao
Senator Manny Pacquiao (PRIB Photo by: Cesar Tomambo)

Mainam na ipagdasal na rin daw ng publiko na hindi mapuruhan ang fighting senator dahil wala namang saysay ang pagkapanalo nito kung sakali kapag ito naman ay labis na mabubugbog o di kaya naman ay mabaldado pagkatapos ng laban.