-- Advertisements --
Chavit Singson
Chavit Singson/ FB image

VIGAN CITY – Inihalal ng karamihan o majority sa mga alkalde ng iba’t ibang munisipyo sa buong bansa si dating Ilocos Sur Governor – Narvacan Mayor Luis “Chavit” Singson bilang presidente ng League of Municipalities of the Philippines.

Ang nasabing national elections para sa mga bagong opisyal ng LMP ay isinagawa nitong Miyerkules ng umaga sa isang hotel sa lungsod ng Makati.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Vigan, naniniwala ang karamihan sa mga miyembro ng LMP na kayang pamunuan ni Singson ang kanilang grupo lalo pa’t hindi na bago sa kaniya ang humawak ng national league dahil noong ito ay nakaupo bilang konsehal ng bayan ng Narvacan, ito rin ang nahalal na presidente ng Councilor’s League of the Philippines.

Noong nakaraang buwan pa kumakalat ang balita na ang nasabing politician –businessman ang napupusuan ng karamihan sa mga alkalde ng bayan sa bansa ngunit sinabi nito noon na ayaw niyang pangunahan ang resulta ng national elections ng liga.