-- Advertisements --

Pormal ng nagpasa si dating Ilocos Sur governor Chavit Singson sa Commission on Elections (COMELEC) ng kanyang withdrawal para sa kanyang kandidatura sa pagka-senador.

Ayon kay Singson, limang araw niyang pinag-isipan ang kanyang desisyon para rito. Aniya, kahit na hindi na siya tatakbo sa pagka-senador ay patuloy pa rin ang pagtulong niya sa mga transport group, partikular sa mga jeepney drivers, sa pamamagitan ng kanyang mga programa. Naniniwala siya na kahit wala siyang posisyon sa pamahalaan ay makakatulong pa rin siya sa kapwa.

Dagdag pa niya na ayaw na niya palalain pa ang nararamdaman niyang sakit kaya mas minabuti niya na lamang na umatras.

Matatandaan na noong Enero 12 pormal na inanunsiyo ni Singson ang kanyang pag-atras sa kandidatura.