-- Advertisements --

Ibinahagi ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo ang kaniyang tungkulin bilang Miss Universe Asia na bahagi ng continental queens ng Miss Universe Organization.

Ayon kay Chelsea tungkulin nitong tulungan ang Miss Universe Organization sa kanilang mga Charity works kung saan makakasama nito ang iba pang mga continental queens na sina Miss Universe Peru bilang Miss Universe Americas, Miss Finland bilang Universe Europe, at Miss si Nigeria bilang Miss Universe Africa and Oceania.

Nilinaw rin ni Chelsea na ang continental queens ay magiging parte ng mga opisyal na lakad ng Miss Universe organization hanggang matapos ang buong taon ng panunungkulan ni Miss Universe 2024 Victoria Kjær Theilvig.

Ibinahagi pa ng Pinoy beauty queen ang experience nito noong nakaraang buwan ng kumpetisyon kung saan aniya lumabas ang kaniyang confidence na maslalong nagpatibay sa kaniyang personalidad pagbalik dito sa Pilipinas.

Matatandaan na nakuha ni Chelsea ang ‘best in national costume’ matapos ito ianunsyo ng owner ng Miss Universe na si Anne Jakrajutatip.

Kaya’t isang back to back experience ang naramdaman ng Pinoy fans dahil noong 2023 nga ay nanalo rin ng ‘best in national costume’ ang pambato ng Pilipinas noon na si Michelle Dee.

Habang ito na ang pang apat na panalo ng Pilipinas sa best in national costume sa kasaysayan ng Miss Universe competition.