-- Advertisements --
Tiniyak ni Department of Interior and Local Government (DILG) ang mahigpit na pagtutulungan ng Local Government Units (LGU) at ang kapulisan sa pagpapatupad katahimikan habang nasa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Ano na nakipag-ugnayan na sila sa mga LGU para maging maganda ang nasabing pagpapatupad ng checkpoints.
Iirerespeto ng mga kapulisan ang karapatang pantao sa pagpapatupad ng nasabing mga checkpoints.
Kahit na nasa ECQ ay hindi hihinto ang kapulisan sa pagsasagawa ng mga anti-drug operations sa bansa.
Patuloy din ang panawagan ng kalihim na mahalaga ang pagpapabakuna para tuluyang malabanan ang Delta variant.