-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Ibabalik ng pamahalaang lokal ng Echague, Isabela ang mga checkpoints sa kanilang bayan simula sa Lunes, March 22, 2021.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Mayor Kiko Dy ng Echague na ang mga emplyeyado na nagtatrabaho sa labas ng Echague ay kinakilangang kumuha ng dalawang kopya ng Certification sa kanilang employer na nagsasaad kung anong oras at araw pumapasok ang empleyado …

Ang nasabing certification ay ibibigay sa kanilang barangay kapitan at sa Admin-Office ng pamahalaang lokal .

Ang nasabing certification ay gagamitin ng Admin Office para sa masterlist ng mga checkpoints na pagbabatayan nila sa mga empleyadong lalabas sa kanilang bayan.

Kinakailangan ding mayroong valid ID na ipapakita sa checkpoints ang may trabaho sa labas ng Echague upang ma-verify sa masterlist.

Habang ang mga nais naman magtungo sa bangko at magpagamot sa mga hospital na nasa labas ng Echague ay maaaring kumuha ng travel pass sa Rural Health Unit na ipapakita sa mga checkpoints.

Kapag kukuha din ng travel pass ay kinakailangang tatlong araw bago ang pagbiyahe dahil kaagad makakuha.

Sinabi pa ni Mayor Dy na maghihigpit din sila sa mga magsasagawa ng social gatherings.

Mas lalo din nilang hihigpitan ang pagsusuot ng facemask at faceshiled ng mga mamamayan

Ayon pa kay Mayor Dy gagawin nila ang nasabing hakbang upang mapigilan ang pagdami pa ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan.