DAGUPAN CITY – Tuloy parin ang isinasagawang checkpoint sa barangay Baloling na isa sa pinakamalaking barangay sa Mapandan na napasukan ng mga baboy mula sa lalawigan ng Bulacan na apektado ng African swine fever (ASF).
Ayon kay Capt. Mark Ryan Taminaya, acting chief of police ng Mapandan PNP, katuwang ang Bureau of Animal Industry ay mas pinaigting pa nila ang ginagawa checkpoints sa lugar na itinuturing na “ground zero” hanggang sa kasalukuyan.
Sa kabila nito sa nasabing barangay na lamang aniya sila nagsasagawa ng checkpoint para imonitor ang mga pumapasok at lumalabas na baboy lalo na ang mga tangkang ipuslit.
Matatandaan na mahigit sa 100 na ang isinailalim sa culling process sa mga alagang baboy na hinihinalang apektado ng ASF sa bayan ng San Fabian, Mangaldan at Mapandan matapos makapasok ang mga baboy mula sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon sa mga otoridad, nakuha ang mga baboy sa Brgy Baloling Mapandan, Barangay Guesang at Maasin sa Mangaldan, Pangasinan.