LEGAZPI CITY – Kinontra ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol ang inaapelang mass promotion sa ilang kolehiyo at unibersidad sa rehiyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay CHED Bicol Regional Director Freddie Bernal, hindi applicable ang ganitong hakbang sa mga Higher Education Institutions (HEIs) dahil sa pagkakaiba-iba ng kurso at program.
Paliwanag nito na hindi tulad ng basic education na isa lang ang curriculum, ang higher education curriculum ay nakabase sa mga kurso.
Dagdag pa ni Bernal na may inaasahang grado ang mga nagkakais na maging honor graduates kaya magigin unfair kung isasagawa ang mass promotion habang maging ang oras ng on-the-job trainings (OJT) ay hindi applicable ang isinusulong na hakbang.
Siniguro naman ng CHED na maximum leniency ang isasagawa kasabay ng pagbibigay diin na dapat tulungan ng mga guro ang pag-aaral ng mga estudyante upang matapos ang semester at lahat ng paaralan ay magkaroon ng adjustment.