-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol na mayroon nang pribadong eskwelahan na nagsumite ng intent letter at requirements sa tanggapan para sa pagkondukta ng limited-face-to-face classes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay CHED Bicol Supervising Education Program Specialist Ma. Teresa de Alban, nagsagawa na ang opisina ng evaluation at inspection katuwang Department of Health at Local Government Unit sa isang pribadong eskwehalan sa lungsod ng Naga.

Sa pamamagitan nito, malalaman kung talagang handa na ang naturang eskwelahan na magsagawa ng limited-face-to-face classes sa gitna ng pandemya.

Maliban pa rito, ilang unibersidad at kolehiyo ang nag-apply na hindi konektado sa mga medical courses.

Matatandaang tanging mga health-related courses lamang ang pinayagan ng ahensya na magsagawa ng face-to-face learning.

Sa ngayon, binibigyan ng tanggapan ng pagkakataon ang mga eskwelahang nag-apply sa nasabing mode of learning na magpa-evaluate na tatakbo ng isang linggo.

Muli ring nilinaw ni Alban, na hindi mandatory at hindi maaring pilitin ang mga estudyante kung nais magsagawa ng limited-face-to-face classes.