-- Advertisements --

Isinara muna ang punong tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) sa Quezon City matapos dapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang apat sa mga kawani nito.

Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera, sasailalim sa home quarantine o dadalhin sa isang government facility ang mga nagpositibo nilang tauhan.

Sinuspinde na rin ang pasok sa CHED Central Office upang bigyang-daan ang isasagawang disinfection.

Maliban sa Central Office, isasara rin muna ang mga regional offices ng ahensya sa National Capital Region, MIMAROPA, at Region 4.