-- Advertisements --

Ipinanukala ng Commission on Higher Education (CHED) sa Malacañang na payagan ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa lugar na nasa modified general community quarantine (MCGQ) areas kabilang ang ibang kurso bukod sa mga health allied programs.

Sa congressional hearing sa 2022 proposed budget ng CHED, sinabi ng kanilang chairman na si Prospero De Vera II na ang nasabing panukala ay inindorso ng Inter-Agency Task Force subalit hinihintay pa lamang nila ang pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilan sa mga kursong nais isama ng CHED sa mga MGCQ areas ay ang Engineering, Hospitality/Hotel and restaurant management, tourism and travel management, Marine Engineering at Marine Transportation.

Dagdag pa nito na mula noong Hulyo 2021 ay mayroong 13,188 estudyante na ang dumalo ng limited classes habang 1,048 faculty members ang nagsagawa ng limited classes sa 118 higher education institutions sa buong bansa.