-- Advertisements --

Opisyal ng inanunsyo ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapahinto ng Senior High School program sa State Universities and Colleges at Local Universities and Colleges.

Kinumpirma ni CHED Chairman Prospero de Vera III ang issuance ng Memorandum na nagsasaad sa pagpapahinto ng naturang programa.

Subalit nilinaw ng CHED official na ang desisyong ito ay alinsunod sa nagdaang mga direktiba ng CHED, kung saan nakapaloob sa mga direktiba sa ilalim ng CHED Memorandum Order Nos. 32 at 33 series of 2015 at 2016, na ang engagement ng SUCs at LUCs sa basic education sa pamamagitan ng senior high school ay dapat na limitado lamang sa K-12 transition period mula SY 2016-2017 hanggang SY 2020-2021.

Simula sa SY 2023-2024, wala ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education beneficiaries mula sa SUCs at LUCs.

Pero exempted dito ang mga papasok ng Grade 12 sa SY 2023-2024 para makumpleto ang kanilang basic education.