Naglabas ang Commission on Higher Education (CHEd) ng panuntunan sa implementasyon ng limited face-to-face classes sa lahat ng program sa higher education institutions (HEIs).
Sa ginawang pagdinig sa House Committee on Higher and Technical Education sinabi ni CHEd Chairman Prospero De Vera kung gaano dapat isaalang-alang ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro.
Isa ring dapat tiyakin ng mga local government units ang pagkakaroon ng transportasyon dahil ito ay itinuturing na kritikal bunsod na maraming mga mag-aaral sa probinsiya ang sumasakay sa mga pampublikong sasakyan.
Dapat din tiyakin ng mga LGU na nakakamit nila ang vaccination targets para magsimula ng magbukas ang mga campuses at maraming mga mag-aaral ang pumasok.
Isa sa mahalagang panuntunan nila ay yaong mga fully-vaccinated lamang ang papayagang dumalo sa limited face-to-face classes.