Inulit ng Commission on Higher Education (CHED) ang desisyon nitong ihinto ang Senior High School (SHS) program sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs).
Sa isang memorandum, sinabi ni CHED chairman Prospero de Vera III na ang pakikipag-ugnayan ng SUCs at LUCs sa basic education sa pamamagitan ng SHS ay limitado lamang sa K-12 transition period mula School Year (SY) 2016-2017 hanggang SY 2020- 2021.
Sinabi ni De Vera na naglabas na ng abiso ang Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng Private Education Assistance Committee na hindi na dapat magkaroon ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GATSPE) beneficiaries mula sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) simula SY 2023- 2024.
Exempted dito ang mga papasok sa Grade 12 sa SY 2023-2024 para makatapos ng kanilang basic education.
Ang mga state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs) na may mga laboratory school ay maaari ding tumanggap ng mga enrollees ngunit hindi na makakatanggap ng mga voucher.
Samantala, ang mga state universities and colleges na may mga laboratory school ay inatasan na iharap sa Board the financial implication of notice mula sa DepEd tungkol sa hindi pagbibigay ng mga voucher para sa mga SHS enrollees.
Nauna nang hiniling ni Senator Joel Villanueva sa DepEd at CHED na tiyakin ang maayos na koordinasyon hinggil sa paghinto ng mga programa ng SHS sa tate universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs), at pag-isipan kung paano makakaapekto ang mga pagbabago sa mga estudyante.