Aabot sa 65 na mga Higher Education Institutions ang nakatanggap ng pagkilala sa Commission on hinger matapos na makapasok ito sa Top 300 Most Innovative Universities sa buong mundo.
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng 2024 WURI rankings.
Ayon kay CHED Secretary Popoy De Vera, nakakatuwa dahil mula sa dating 44 na Higher Education Institutions ay naging 65 HEIs na ito.
Aniya, nagpapakita lamang ito na ang mga Higher Education Institutions sa bansa ay nananatiling kahanay ng magagaling na unibersidad sa buong mundo batay sa datos ng 2024 WURI rankings.
Nagpapakita rin aniya ito ng pagkakaroon ng competitiveness ng mga unibersidad sa bansa.
Dahil dito , mas malalaman ng komisyon kung ano pa ang dapat pag-ibayuhin at palaguin pa partikular na sa paraan ng pagtuturo, pag-aaral at maging serbisyo publiko.
Siniguro naman ng komisyon na nananatili silang sumusuporta sa lahat ng mga higher Education Institutions sa Pilipinas