Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) na target nilang magbukas ng hanggang limang karagdagang medical schools sa susunod na taon.
Ito ay mag-aalok ng libreng medical programs sa mga mahihirap na estudyanteng Pilipino.
Sinabi ni CHED chairman Prospero de Vera na layunin ng CHED na ipagpatuloy ang paggawa ng mga world-class na doktor at nurse sa pamamagitan ng pagtatatag ng mas maraming medical schools sa buong bansa.
Aniya, nais nila na magkaroon ng maraming mga pamantasan sa bansa kung saan makakapag-aral ang mga estudyante ng libre.
Sa kasalukuyan, sinabi ni De Vega na mayroong 19 na pampublikong unibersidad sa buong bansa na nag-aalok ng mga programang medikal, kung saan walo ang naaprubahan noong unang taon ng administrasyong Marcos.
Aniya, nakikipagtulungan din ang CHED sa mga pribadong institusyon na may mga medical programs kung saan maaari silang mag-extend ng scholarship para sa mga kwalipikadong estudyante.