-- Advertisements --
image 210

Nagbabala ang Commission on Higher Education (CHED) sa publiko laban sa mga kahina-hinalang sites at mga indibidwal na nagpapakalat ng mga maling impormasyon sa kanilang ibinibigay na scholarship at tulong pinansiyal.

Sa inilabas na public advisory ng CHED, pinag-iingat ang publiko na huwag makipag-transaksiyon sa mga indibdiwal o grupo na nagpapanggap na kinatawan ng komisyon o Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UniFAST) ng CHED.

Ginawa ng ahensiya ang naturang babala sa gitna ng kumalat na reports kaugnay sa scholarships at assistance na iniaalok ng ahensiya lalo na sa Tertiary Education Subsidy (TES) program.

Paliwanag ng ahensiya na ang naturang programa ay hindi scholarship subalit isang grant-in-aid program ng pamahalaan na mayroong sinusunod na prioritization scheme para sa mga kwalipikado bilang grantee.

Ang naturang aid din ay subject sa availability ng mga pondo.

Nilinaw din ng ahensiya na ang tanging mga lehitimo lamang na magpatupad ng Tertiary Education Subsidy ay ang lahat ng state universities and colleges (SUCs), CHED-recognized local universities and colleges (LUCs), at private higher education institutions na mayroong existing memorandum of agreement (MOA) at compliant sa lahat ng requirements ng CHED-UniFAST.

Hinihimok din ng ahensiya ang publiko na tanging sa mga official website at verified accounts lamang sumangguni para sa anumang kailangang impormasyon o anunsiyo may kinalaman sa mga programa na ipinapatupad ng komisyon.

Hinihikayat din ang publiko na mangyari ay ireport lamang ang anumang fraudulent o kahina-hinalang aktibidad sa CHED at mga Regional offices nito upang agad na maaksyunan.

Top