Hinikayat ng Commission on Higher Education (CHEd) ang mga private higher education institutions (HEIs) na maghanap ng paraan para sa pagkolekta ng tuition at ibang mga school fees ngayong panahon ng enhanced community quarantine.
Sinabi ni CHEd Chairperson Prospero de Vera, dapat na makakita ng paraan ang mga HEIs na hindi naisasakripisyo ang sahod ng mga guro at school personnel.
Ilan sa mga konsiderasyon ay ang hindi pagkolekta ng mga school fees sa loob ng 30-araw na may quarantine period.
Gayundin pagsuspendi ng mga penalties sa mga late payments at ang staggered-basis na pagbabayad sa mga school fees.
Dagdag pa ni De Vera na kanilang tinutugunan ang mga reklamong ipinaparating sa kanilang opisina gaya ng hindi nakakasunod ang mga estudyante ng universities and colleges na pinapayagang gumamit ng online study dahil sa mahinang internet connections.