-- Advertisements --

Naniniwala ang Commission on Higher Education na tataas ang bilang ng mga agriculture student na makakapasa sa Licensure Examination for Agriculturist.

Ginawa ng komisyon ang pahayag kasabay ng Memorandum of Agreement na nilagdaan ng CHED, UP Los Baños at 15 State Universities and Colleges sa bansa.

Layon ng kasunduang ito na magbigay ng libreng online review program para sa mga agriculture student na kukuha ng naturang pagsusulit.

Kabilang sa pumirma rito sina CHED Chairman Prospero de Vera, UP President Angelo Jimenez, UPLB Chancellor Jose Camacho Jr.

Parte rin ng naturang MOA ang mga kinatawan ng mga SUCs at mga presidente nito.

Ang naturang program ay tatawaging ExcelLEArate na magsisilbing Review and Strategy Program.

Ginawa ng komisyon ang inisyatibong ito dahil na rin sa mga naitatalang mababang National Passing Percentage ng mga BS in Agriculture.