-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Commission on Higher Education (CHED) ang isang “fact-checking” na ulat na nagsasabing si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay nagbigay ng hindi tumpak na mga numero sa Philippine higher education institutions (HEIs) na kasama sa pandaigdigang ranking ng unibersidad sa panahon ng kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA).

Sa isang pahayag, sinabi ni CHED Chairperson J. Prospero de Vera III na ang ulat ay “misleading”, na pinaninindigan na mayroon ngang 52 higher education institutions ang kinikilala.

Ang ulat ay patungkol sa kung paano pinuri ni Marcos ang mas maraming higher education institutions sa Pilipinas na nakakuha ng world-class status sa unang taon ng kanyang termino kumpara sa 15 institution lamang sa nakaraang ranking.

Sinabi ni De Vera na ibinigay ng komisyon ang data sa pangulo batay sa mga ranking mula sa mga ranking companies.

Hinimok ng opisyal ang publiko na mag-ingat sa pagtanggap ng impormasyon mula sa mga “fact-checkers.”

Nauna nang ipinangako ng CHED na palalakasin ang internationalization ng mga lokal na unibersidad at kolehiyo sa pamamagitan ng tulong nito sa mas maraming higher education institution sa pagkuha ng mga kasunduan sa iba pang international universities.

Ito ay upang higit pang mapahusay ang mga programa sa curriculum, pagsasanay at pagpapalitan ng mga mag-aaral.

Sa ngayon, mayroong 1,968 international linkages o pinirmahang kasunduan sa pagitan ng Philippine Higher education instituiton s at world-ranking universities ang CHED.
Top