-- Advertisements --

Sakaling aprubahan ng pangulo, maapektuhan ang ilang programa ng Commission on Higher Education (CHED) sa susunod na taon matapos bawasan ang kanilang pondo.

Sa budget presentation ng ahensya nitong araw sa House Committee on Appropriations, sinabi ni CHED chair Prospero De Vera III na kabilang sa mga hindi nila pinaglaanan ng pondo para sa susunod na taon ang Tunong Dunong program.

Sa ilalim nito, nakakatanggap ng ng P12,000 kada academic year ang qualified students bilang tulong sa kanilang gastusin sa paaralan.

Nabawasan ang P600 million budget para sa scholarship grant ng mga gurong nasa ilalim ng K-12 Transition program.

Maging ang bilang ng Tertiary Education System (TES) program ay mababawasan din matapos na matapyasan ang P7.1 billion pondo para sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Nabatid na ang TES beneficiaries na enrolled sa public universities ay nakakatanggap ng P40,000 kada taon na maarii nilang gamitin sa kanilang pag-aaral.

Hindi rin nakaligtas sa budget cuts ang scholarship para sa mga medical students.