-- Advertisements --

Nakatakdang makipagpulong ang Commission on Higher Education (CHED) sa mga eksperto sa edukasyon upang talakayin ang depinisyon ng academic freedom at papel ng security forces sa pangangalaga nito at sa kapakanan ng mga mag-aaral.

Pahayag ito ng CHED matapos maghayag ng pagkabahala ang ilang mga sektor tungkol sa mga pinaigting na mga police at military operations sa loob ng mga campus.

Sa isang pahayag, umapela rin si CHED chairman Prospero De Vera III na huwag pairailin ang init ng ulo sa isyu ng pagbasura ng Department of National Defense sa kasunduan nito sa University of the Philippines tungkol sa pagpasok ng mga pulis at militar sa loob ng mga UP campus.

Umaasa naman si De Vera na makatutulong ito upang umusad ang mga diskusyon tungkol sa isyu sa pagitan ng UP at DND.

“This definition and framework can hopefully be the starting point of a dialogue between the DND and UP in the coming days. CHED is offering its offices to bring together not just UP and DND but all public and private HEIs so we can find common ground to protect the interest of our 3.1 million students while upholding academic freedom,” saad ni De Vera.

Sinabi pa ni De Vera na talaga umanong problematic ang UP-DND accord dahil wala raw itong malinaw na guidelines.

“As a faculty member of UP for close to four decades, as Vice President for 5 years and Chairman of the Board of Regents for 4 years, I assert that the implementation of the DND-UP Accord was destined to be problematic,” anang opisyal.

“The Accord has no clear detailed operational details to implement the provisions of the agreement. The Joint Monitoring Group composed of UP regents and administrators, military and police officials has not met regularly to determine compliance with the agreement, review alleged violations, determine appropriate penalties, and recommend revisions in the Accord given the changing times,” dagdag nito.

Nauna nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang nasabing deal ay humahadlang sa kanila sa pagbibigay ng “mabisang seguridad, kaligtasan at kapakanan” ng mga mag-aaral, guro, at empleyado ng UP.

Tinawag naman ni UP President Danilo Concepcion na “totally unnecessary at unwarranted” ang hakbang ng DND.