-- Advertisements --

Umapela ang Commission on Higher Education (CHED) sa lahat ng mga unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila at iba pang mga rehiyong sinalanta ng bagyo na suspindihin na muna ang kanilang mga pasok.

Pahayag ito ni CHED Chairman Prospero De Vera matapos ianunsyo ng Malacañang ang suspensyon ng pasok sa lahat ng mga opisina ng gobyerno, at mga klase sa lahat ng lebel sa pampublikong paaralan sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Cordillera Administrative Region (CAR), at sa NCR (National Capital Region) ngayong araw, Nobyembre 13.

Hinimok din ni De Vera ang mga higher educational institution, kabilang na ang mga pribadong colleges at universities, na i-adjust ang mga course requirements para sa mga estudyante, lalo na sa mga lubhang naapektuhan ng nagdaang bagyo.

“The Commission on Higher Education (CHED) enjoins all other higher education institutions (HEIs), particularly private HEIs in the affected areas to suspend classes as needed and upon consultation with their respective local government units (LGUs),” saad ni De Vera.

“We urge everyone to continue monitoring updates from the government and from reliable news sources and weather advisories,” anang opisyal.