Sang-ayon ang Commission on Higher Education (CHED) para sa pagrolyo ng mobile COVID-19 vaccinations at counselling sessions para sa mga hindi pa bakunadong estudyante at mga guro.
Ito ay kasunod na rin ng pagpapahintulot ng CHED sa mga tertiary students at personnel na makilahok sa face to face classes anuman ang kanilang vaccination status kontra covid-19.
Ayon kay CHED chairperson Prospero de Vera III, mas magiging madali na itong gawin sa higher education dahil maraming mga unibersidad na ang nakagawa na nito dati.
Naging basehan ng CHED para pahintulutan ang unavaccinated na estudyante at guro ay sa mga lugar na may mataas na” vaccination coverage sa Higher Education Institutions (HEIs), may low-risk classification para sa COVID-19 sa bansa at mababang COVID-19 infections para sa lahat ng age groups.