-- Advertisements --

Inanunsiyo ngayon ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagtanggal ng moratorium na nagbabawal sa colleges at universities sa pag-aalok ng nursing programs matapos ang mahigit isang dekada.

Ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera, napag-desisyunan ng commission en banc na i-withdraw ang 11 year old moratorium matapos ang malalimang review dahil sa kakapusan ang healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa iprinisentang data ni De Vera mula sa DOH na nagpapakita na nangangailangan ang bansa ng karagdagan pang 201,265 nurses base sa UN Sustainable Development goals requirement.

Base din dito, dapat na mayroong 27.4 % nurses para sa 10,000 population. Sa kasalukuyan kasi ang Pilipinas ay mayroong 90,205 nurses subalit ang ideal na kailangang nurses sa bansa ay dapat na nasa 300,470 ayon sa DOH data.

Ayon sa CHED, ang colleges at universities sa Mimaropa, Eastern Visayas, Caraga, BARMM, CAR at Soccksargen ang may urgent need na magkaroon ng BS Nursing programs.

Bunsod ng pagtanggal ng moratorium, maaari ng makapag-apply at mag-comply ang mga higher education institution sa requirements para makapagbukas ng bagong undergraduate nursing programs.

Magugunita na noong taong 2011, nagpatupad ang komisyon ng moratorium dahil sa “oversupply” sa nursing graduates.

Noong nakalipas na taon naman ng umapela ang isang mambabatas mula sa Kamara sa CHED para tanggalin na ang moratorium dahil sa kakulangna ng nurses sa ating bansa dahil sa demand sa mga ospital bunsod ng pandemiya.

Top