-- Advertisements --

Tiniyak ng Commission on Higher Education (CHED) na tuloy-tuloy pa rin ang pagpapatupad ng free-higher education.

Sinabi ni CHED Chairman Prospero De Vera III, na may hakbang na silang ginagawa para matugunan ang sumbong sa kanila na nagkakaroon sila ng underspending at mababang bilang ng mga kumuha ng nasabing programa.

Nilinaw din nito na ang P20.3 billion na budget ng Free Higher Education Law noong 2018 ay nagastos ng tama.

Reaksyon ito ng CHED sa inilabas na ulat ng Commission on Audit (COA) na mayroong P20.3 billion ang unspent funds para sa Free College Education dahil sa delayed approval ng guidelines para sa batas at hindi pagsusumite ng mga billing of statements ng mga state universities and colleges and local universities and colleges at ang delays sa release ng Tertiary Education Subsidy (TES) maging ang implementation ng Student Loan Program.