Muling tiniyak ng Commission on Higher Education na walang madidisplace na mga estudyante sa senior high school, sa kabila ng pagpapatigil ng senior high school program para sa state at lokal na universities at colleges.
Ito ay kasunod ng panawagan ng mga mambabatas patungkol sa pinangangambahang displacement ng mga mag-eenrol sa Grade 12 para sa school year 2024-2025.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera, nakikipagtulungan ang ahensya sa Department of Education at iba pang stakeholders para pagdiskusyonan at maresolba ang mga posibleng problemang umusbong patungkol sa pagpapatigil ng enrolment sa susunod na school year.
Kabilang aniya sa mga pinagpupulugan ay kung saan pwedeng ilipat ang nasa 17,700 na grade 11 students; lagay ng mga pasilidad sa iba’t-ibang eskwelahan na nag-ooffer ng senior high school program; at access sa edukasyon.
Sabi pa ni De Vera na tapos na ang trasition phase ng K-12 kaya maaari nang bitiwan ng mga state at lokal na unibersidad at kolehiyo ang pag-ooffer ng senior high school program.
Para naman sa napipintong surinanin pagkawala ng trabaho, sinabi ng CHED Chairman na hindi ito magiging problema.
Aniya, karamihan kasi ng mga guro na apektado ng pagpapahinto sa naturang programa ay part-time o full-time na nagtuturo sa mataas na paaralan. Kailangan lang nilang bumalik sa pagtuturo sa kolehiyo.