Inirekumenda ni House Ways and Means Chair at Albay, 2nd district Representative Joey Salceda si Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Prospero de Vera at Synergeia Foundation head Milwida “Nene” Guevara bilang mga posibleng kandidato para maging kalihim ng Department of Education.
Ginawa ni Salceda ang pahayag matapos magbitiw sa pwesto si Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Salceda ang itinutulak ni De Vera para sa pagpondo ng community colleges sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) program. nakatulong sa mga mahihirap at underserved communities na makapag produce ng mga college graduates.
Si Salceda ang pangunahing may may-akda ng Universal Access to Quality Tertiary Education Program.
Dagdag pa ni Salceda na nagawa ni De Vera ang streamlined linkages sa pagitan ng DepEd at Ched sa pag alok ng basic eduction programs.
Sa kabilang dako, inihayag ni Salceda na sa panig naman ni Guevarra siya ang nasa likod sa pag highlight sa structural defects sa education system na siyang kailangan natin ngayon.
Aniya si Guevarra ay consistent sa mga matagal ng isyu na may kaugnayan sa basic education.
Ipinunto ng Kongresista na ang DepEd ay hindi dapat maging bakante dahil mahalaga ang papel nito.
Hirit ni Salceda na dapat pumili ang Pangulong Ferdinand Marcos ng karapat-dapat na kalihim ng DepEd.