Humingi na ng paumanhin si chef de mission for the Paris Olympics Games Jonvic Remulla sa mga Pinay golfers na sina Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan dahil sa hindi dumating sa tamang oras ang kanilang uniporme.
Sinabi pa nito na pinadala ng sponsors nila ang uniporme subalit naipit ito sa customs at hindi agad nakalabas.
Malinaw aniya na ito ay “honest mistakes” na umaasa siyang makalabas ito ng last minute subalit hindi na nakahabol.
Una ng sinabi ng Philippine Olympic Commitee na isolated ang kaso at ang nagkaproblema ay ang courier company na naantala sa customs sa France.
Giit pa ng opisyal na walang nangyaring kurapsyon sa uniporme dahil galing sa official sponsor ang uniporme at wala ring monetary arrangement sa supply.
Magugunitang naglabas ng video si Ardina na ginagawan na lamang na kabitan ng watawat ng Pilipinas ang damit nito gamit ang double sided tape para maipakita ang bansang nirerepresenta niya na umani naman ng magkakahalong reaksyon.