-- Advertisements --
Chef Bruno Serato and the children of Caterina’s Club foundation (IMAGE © Tony Zuppardo)

Tunay umanong maituturing na isang modernong bayani si Chef Bruno Serato na taga Los Angeles, California.

Ito ay dahil sa pagpapakain niya sa halos libu-libong mahihirap na kabataan sa California.

Sa loob ng 14 na taon ay nakapagluto na ito ng halos tatlong milyong pagkain para sa mga bata.

Kadalasan daw ay spahetti ang inihahanda nito sa mga batang nakatira sa Caterina’s Club foundation na isinunod sa pangalan ng kanyang ina.

Nagsimula raw ang proyektong ito noong April 18, 2005 habang nililibot nito, kasama ang kanyang ina, ang isang center malapit sa kanyang restaurant.

Doon ay nakakita sila ng batang lalaki na nasa edad anim na taon habang kumakain ng chips.

Nakatira ito sa isang motel kasama ang kanyang mga magulang na wala umanong pera o kusina na pwedeng paglutuan.

“Like all Italian mothers… If he’s hungry, he can eat pasta’ and we immediately headed to the restaurant kitchen to make him some,” pag-alala ni Serato.

Kung kaya’t bumalik daw sila ng kanyang ina sa restaurant upang magluto ng pasta at simula raw noon ay hindi na ito natigil sa pagluluto para sa mga bata.

Si Serato ay ipinanganak sa France ng mag-asawang Italyano na ‘di kalaunan ay lumipat sa US.