-- Advertisements --

Inanunsyo si Russian oligarch Roman Abramovich na plano nitong ibenta ang Chelsea Football Club.

Kasunod ito sa ginawang pag-atake ng Russia sa bansang Ukraine.

Sinabi pa nito na ang hakbang ay siyang makakabuti sa koponan, sa mga fans ganun din sa mga empleyado at sa mga sponsors at partners.

Hindi naman aniya ito nagmamadali dahil may mga due-process pang susundin sa pagbebenta.
Muling iginiit nito na hindi naman siya ang opisyal o pulitiko sa Russia.

Nauna rito ay inanunsiyo ni US President Joe Biden ang pagpataw niya ng sanctions sa Russia kabilang ang mga oligarch sa nasabing bansa.