-- Advertisements --
Binigyan ng pagkilala ng De La Salle-Araneta University si Miss Universe Asia Chelsea Manalo.
Kinilala ng DLSAU Alumni Association , Inc. si Manalo bilang “La Bulakenya” at binigyan ng “Alumna Achiever”.
Habang ang Gawad Lasallianeta 2025 ay binigyan siya ng Lasallians ‘Choice Award’.
Sa social media account nito ay ibinahagi ng beauty queen ang natanggap nitong award kung saan pinasalamatan niya ang mga nasa likod ng parangal.
Bumalik si Manalo sa kaniyang alma mater kung saan dumalo ito sa Alumni Homecoming ng unibersidad.