Dumating na sa Mexico ang pambato ng Pilipinas na si Chelsea Manalo para irepresenta ang bansa sa prestihiyosong beauty pageant na Miss Universe 2024.
Bumiyahe mula Los Angeles, California si Chelsea na nakasuot ng white blouse, blue jeans, white fur coat at ang kaniyang Miss Universe Philippines sash.
Sa pagdating naman ng beauty queen sa Aeropuerto Internacional ng Mexico, suot nito ang golden modern Filipiniana ni Cary Santiago.
Sa naging panayam sa Fil-Am beauty queen, ibinahagi niya ang kaniyang excitement at first meet up niya sa iba pang Miss Universe candidates.
Samantala, unang sasabak ang mga kandidata mula sa iba’t ibang mga bansa sa inaabangang Preliminary at National Costume competitions sa Nobiyembre 14.
Tatangkain naman ni Chelsea na maiuwi ang ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas sa coronation night na gaganapin sa Nobiyembre 16 o Nob. 17 (oras sa PH).