Ipinamalas ng pambato ng Pilipinas na si Chelsea Manalo ang “Hiraya” national costume sa preliminary round ng Miss Universe 2024 pageant sa Mexico city ngayong araw, Nobiyembre 15 (PH time).
Inirampa ng first Filipina-Black American beauty queen ang gold national costume na inspired ng relihiyong Kristiyanismo at Islam sa Pilipinas. Naging agaw pansin ang bright blue train nito na may imahe ng Black Madonna, ang Our Lady of Antipolo na isa sa religious images na dinala sa PH noong 17th century mula Mexico, na nagsisilbi namang host country ng Miss Universe ngayong taon. Nakasuot din ang beauty queen ng silver and gold headpiece at nakahawak ng 2 traditional filipino hand-held fan.
Sa kaniyang IG account, ipinaliwanag ni Chelsea ang kahulugan sa likod ng kaniyang Hiraya costume na likha ni Manny Halasan bilang simbolo ng malalim na kasaysayan at relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Mexico.
Samantala, headturner din ang pambato ng Pilipinas sa swimsuit round sa kaniyang curly hair suot ang bright purple two-piece bikini na may gold cape at ipinamalas ang kaniyang iconic “Tampisaw” walk.
Sa evening gown ng preliminary competition, mala-princess naman ang vibe ng beauty queen sa kaniyang simple but elegant blue ball gown na kumakatawan sa mga katubigan ng Pilipinas.
Nagsilbi namang host ng preliminary competition ng Miss Universe 2024 sina Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel at Miss Universe 2023 Sheynnis Palacios.
Sa naturang event din, ginawaran ng Miss Universe Organization ang Pilipinas bilang Best Host Tour Country. Tinanggap ni Miss Universe Philippines president Jonas Gaffud ang naturang parangal.
Tatangkaing maiuwi ni Chelsea ang ika-5 Miss Universe crown para sa Pilipinas sa inaabangang coronation nigh sa araw na ng Linggo, Nobiyembre 17, oras sa Pilipinas.