-- Advertisements --

Sumiklab ang malaking sunog sa isang chemical plant ng eastern Atlanta.

Ayon kay Rockdale County Fire Chief Marian McDaniel na nagkaproblema ang sprinkler head ng BioLab plant sa Conyers.

Dahil sa insidente ay humalo ang tubig sa reactive chemical.

Nagsagawa na ng paglikas ang mga residenteng malapit sa lugar para maiwasan ang anumang pinsala.

Hindi naman malinaw kung may mga nasugatan sa nangyaring sunog.

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na inaapula ng mga otoridad ang nasabing malaking sunog sa lugar.