-- Advertisements --
Tinamaan ng Iranian drone ang isang chemical tanker sa Indian Ocean.
Ayon sa US Department of Defense na ito na ang pang-pitong pag-atake ng Iran sa mga commercial shipping mula pa noong 2021.
Ang nasabing chemical tanker na CHEM PLUTO, ay isang Liberia-flagged, Japanese owned at Nehterlands operated tanker.
May sakay ito na 20 Indian crew members at isang Vietnamese subalit ligtas sila at walang anumang tinamong sugat.
Gumamit umano ang Iran ng one-way attack drone na dinesenyo para tamaan ang target at hindi na makabalik pa sa pinagmulan.
Dahil sa insidente ay nagpakalat ang Indian coast guard ng mga patrol vessels at maritime surveillance aircraft.