-- Advertisements --

Tinanggalan na ng leadership sa US House of Representative si Wyoming Rep. Liz Cheney.

Nagbotohan ang mga kasamahan nito sa Republican kung saan nanaig ang desisyon na ito ay matanggal na sa paghawak nito ng anumang posisyon sa US House.

Nasa ikatlo sa pinakamataas na puwesto ang hawak ni Cheney na kaniyang hawak noon pang 2019.

Hindi naman maiwasan na batikusin ng anak ng dating US-Vice President Dick Cheney ang mga kasamahan nitong mambabatas na bumuto laban sa kaniyang pag-alis sa puwesto.

Sinabi naman ni Cheney na gagawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya para hindi na makabalik pa sa puwesto si Trump.

Isa sa itinuturong dahilan ng mga Republicans ay kasama si Cheney sa mga Democrats na bumuto para ma-impeach si dating US President Donald Trump dahil sa panghihikayat ng mga supporters na lusubin ang Capitol Hills noong Enero 6.