-- Advertisements --

Agad na tinangkilik ng mga fans ang bagong kanta ng Pinay girl group na BINI.

Matapos kasi ang dalawang oras ng ilabas ng grupo ang kanta nilang “Cherry On Top” ay naging number 1 trending na ito sa Youtube music.

Nitong gabi ng Huwebes ay umabot na agad ng 1 milyon views ang nasabing kanta sa Youtube.

Gaya ng mga naunang kanta ng grupo na “Pantropiko” at “Salamin, Salamin” ay inaasahan na papatok ito sa mga fans.

Nakatakdang maglabas ng album ang grupo at hinihintay ng mga fans ang major concert nila sa Araneta Coliseum sa darating na Oktubre 4.