-- Advertisements --

Panibagong kilig ang ibinigay ng magkasintahang Edu Manzano at Cherry Pie Picache sa kanilang fans kasunod ng mga bago ring online photos na ibinahagi ng beteranong aktor.

Nabatid na wala pang direktang pahayag ang 51-year-old actress mula nang umamin umano si Edu na sila ay real life “love birds,” bagama’t nagpo-post din naman ng sweet pictures nila.

Sa latest update ng 66-year-old actor, kuha sa Thanksgiving celebration sa Amerika ang family picture ng kanyang angkan kung saan agaw-pansin ang pag-holding hands nila ni Cherry Pie.

Kasama sa mga nakadaupang-palad ni Picache ay ang dalawang anak ni Manzano sa modelong si Rina Samson, at iba pang kamag-anak.

Anak naman niya ang TV host/comedian na si Luis Manzano sa “Star for All Seasons” na si Vilma Santos.

“We were caught off guard. Talagang no one saw it coming. I don’t even think dad and tita Pie saw it coming. I think a friend of mine took a picture with them tapos he sent me a picture. He was with daddy and tita Pie. Date night yata sila. So I sent the picture back to daddy,” kuwento ng nakababatang Manzano sa Live with G3.

“Nakikita ko rin naman how happy he is with Tita Pie,” dagdag nito.

Ayon naman sa anak ni Cherry pie, aprub nito ang relasyon ng dalawa at hindi iyon makakaapekto sa kanilang mag-ina.

“Mama’s boy ako pero siyempre she deserves her own happiness din, di ba? I mean, ‘yung pagkakaroon ng relationship with someone else doesn’t remove the fact that she is still my mom,” wika ni Nio Tria sa Kapamilya Chat.

Nabatid na enjoy sa kanilang US vacation ang bagong showbiz couple kung saan kabilang sa kanilang pinasyalan ay ang New York at Winter Haven sa Florida.

Sa mga ibinahaging larawan ni Picache, sumakay sila ng cruise habang nanonood ng sunset at may kuha rin sila na magkadikit ang mga ulo habang nakasara ang mga mata.

Si Edu ay dating ikinasal kina Vilma at Maricel Soriano, habang huli nitong nakarelasyon ang non-showbiz girl na nagngangalang Iryne Garcia.

Si Cherry Pie naman ay hiwalay na noon pang 2006 sa kanyang partner na si Gary Tria.

Cherry Pie with Edu fam
“Bros and sis, in-laws, children, cousins, apos and Pie. Mi familia. The best day of my 2021. Never realized how much I missed them until we celebrated Thanksgiving together. I love my family!” caption ni Manzano.