Mistulang tunay ang kasabihang “love is sweeter the second time around” sa kumpirmadong relasyon ng kapwa veteran actors na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.
Sa panayam ng anak ni Edu kay Vilma Santos na si Luis Manzano, ibinunyag nito na talagang dumaan na sila sa dating stage pero ito ay dalawang dekada o 20 taon na ang nakakaraan.
Ayon sa 66-year-old actor, low-key o malayo sa lime light ang naging relasyon nila noon na nagtagal ng isang taon at nanatili silang magkaibigan kahit naghiwalay.
“We never drifted apart. We’d always see each other sa iba’t ibang okasyon and sa iba’t ibang mga gatherings (in various occasions and various gatherings). We would always be talking sincerely. We knew that we still like each other,” saad ng nakatatandang Manzano sa video blog ng anak.
Sa panig ng 51-year-old actress, kakaiba pa rin aniya sa tuwing magkakatinginan sila pero pinagdudahan na niya ang nararamdaman dahil kilala bilang “charmer” si Edu.
“We were dating almost a year. Like mga (about) two decades ago. Hindi niya ako makalimutan (He could not forget about me),” pabirong sambit ni Picache na unang beses direktang nagsalita tungkol sa kanila ni Edu.
Kabilang sa nagustuhan ni Edu kay Picache ay ang work ethic daw nito at mga prinsipyo sa buhay, habang hanga naman si Cherry Pie sa pagiging mabuting ama ni Edu sa mga anak nito.
Nabatid na naka-bonding na ng dalawa ang kani-kanilang anak partikula noong media conference ng neophyte actor at anak ni Cherry Pie na si Nio.
Sa ngayon ay 18-anyos na si Nio na anak ni Picache sa dating partner at cinematographer na si Gary Tria na kanyang nakahiwalayan noon pang 2006.
Si Edu naman dating ikinasal kina Maricel Soriano at Vilma, habang huli nitong nakarelasyon ang non-showbiz girl na nagngangalang Iryne Garcia.