-- Advertisements --

Hangad ni Cherry Pie Picache na magsilbi rin siyang inspirasyon para sa mga nakikipaglaban pa sa Coronavirus Disease (COVID).

Ayon sa 50-year-old actress, noong una ay ayaw niya sanang isapubliko pa ang pagiging survivor niya sa deadly virus pero napagtanto na paraan niya ito para magpasalamat sa Diyos.

Aniya, “tough, painful and scariest” na karanasan niya ang tatlong linggong pagpapagaling nito sa COVID at sa pneumonia.

Aminado si Picache na naging matigas pa ang kanyang ulo ko dahil ayaw magpa-confine sa ospital.

“though after reflecting and praying…maybe it will be of help, send a little ray of hope and inspiration, a way to express my gratefulness and to always simply and honestly share a concrete testimony of God’s gift of faith and to just trust His loving mercy to heal and restore. ❤️🙏🙏🙏”

Special mention din nito ang kanyang “son and the only man” sa kanyang buhay na si Jose Antonio “Nio” na matiyaga siyang inalagaan hanggang sa gumaling.

Cherry Pie 4

Kung maaalala, minsang inakusahan si Cherry Pie na “cougar” matapos mag-post ng mga larawan nila ni Nio habang nasa beach.

Ang cougar ay paglalarawan sa mga may edad na babae na may interes umano na sexual relationships sa mga bagets na kalalakihan.

Si Nio ay tennis player na lumaban noong 2016 International Tennis Federation competition sa Vietnam at nanalo sa kategorya ng under 14 doubles.